Sep 22, 2010

pangarap lang


hiling sa bituin

minsan, hindi na natin naaalala kung papaano nabubuo ang mga pangarap natin sa buhay. maaring bata ka palang ay pangarap mo ng maging doktor, piloto, sikat na artista, o kahit na lang maging kamukha ni john lloyd. masarap mangarap lalo na't libre naman, pero doble ang sakit kapag nalaman mong ang pangrap na yon ay hindi mo na maaabot pa. ang mas masakit pa dun, alam mo na ngang hindi na puwede, umaasa ka pa rin. ang mundo na ang nagdedesisyon para sayo pero ayaw mong makinig. ano pang pinagkaiba natin sa pusang naghahabol sa sinulid? habul ng habol sa isang bagay na wala namang importansya/halaga sa buhay nito. maswerte ka na kung magising ka isang araw at mauntog sa katotohanan. "it's just a thread, why do i even want it?"

Hindi lahat ng pangarap ay para sayo. maaring nakalaan ito para sa iba o may mas malaking pangarap na nakalaang matupad para sayo. tulad ko, pangarap ko dati na maging kamukha ni john lloyd. p*kening! ang binigay sa akin yung hairline niya. ayan, malapit nang mapanot! siguro talagang nakatadhana nang maging kamukha ko lang si piolo. haaay :(

photo taken from http://toki88.deviantart.com/art/Munting-Pangarap-27063371

25 comments:

  1. hahai, i know the feeling pangarap lang.. huhuhu.. masakit naman, lalo n pag hindi mapasayo..

    ReplyDelete
  2. Ahahahhahahaha at iinsist talaga ang maging kamukha ni john lloyd... ikaw na ang may shaina... lol

    ReplyDelete
  3. hahaha nice talagang kay john lloyd pa hehehe

    ReplyDelete
  4. Totoong may pangarap na nakaalan para sa iba at may mas higit na pangarap ng dyos para sa isa o dalawa.

    Ayos tong post na to. Mapangaraping tulad ko. LOL

    ReplyDelete
  5. bakit nalungkot ako sa post mo na ito? :( nakarelate masyado. hehe

    mas malaking pangarap na nakalaang matupad para sayo.--- ito yun eh hehe

    mas gwapo naman si piolo kay john lloyd para sa akin. :P

    ReplyDelete
  6. @tim Amen to that! hehe

    @xprosaic pangarap lang naman eh.. pero ang kamukha ko talaga ay si piolo... tsktsk... wala na akong magagawa parekoy. haaay! nyahaha.

    ReplyDelete
  7. @superjaid ganun talaga.. para maambunan ng konting puti! pero ang kamukha ko talaga si piolo! nyahaha. saka, para naman parati akong safe... di ba? parating "ingat!" nyahaha.

    @yasjason naku. buti nalang hindi ako nagiisang mapangarap dito. ikasa mo parekoy :P

    ReplyDelete
  8. @karenanne haha.. don't be sad... lahat naman tao nakakarelate eh. hehe. naks... gusto ko kasi yung puti ni johnlloyd pero sa kanya na yung hairline niya! haha.

    ReplyDelete
  9. Ahahahaha ambisyoso ka sa mga kamukha mo ah nakakahiya naman sa kamukha kong si brad pitt...

    ReplyDelete
  10. wow bago that.. kahairline! lol

    ako may kahairline din.. kala you papatalo ko -

    kahair line ko yung vocalist ng A1.

    bye

    ReplyDelete
  11. @glentot hahaha. sorry naman. sige na... ikaw na si brod pete, alien? nyahahaha.

    ReplyDelete
  12. @tongtong hahaha... naku talo ka ga. ok na ako sa hairling ni jonhlloyd kesa dun... kita na utak! nyahaha

    ReplyDelete
  13. bkit mo papangarapin maging kmukha ni john llyod kung mas pogi k nmn sa knya. ^_^ kelan b bday mo pre?

    ReplyDelete
  14. Okay lang naman ang mangarap basta's siguradohin lang natin na kayang-kaya natin itong abutin... :D

    -

    Add kita sa friends list ko add mo din ako huh... :D Salamat nga pala sa pagdaan mo doon sa blog ko... :D

    ReplyDelete
  15. Parekoy dami nmn pwede pangarapin bakit si john lloyd pa?hahaha..
    anyway tama ka libre lng tlga mangarap pero mas masaya siguro kung maabot mo to at kung hindi eh better luck next time diba?Ako sana matupad pangarap ko..simple lng nman ako mangarap eh.. Gusto ko lng makarating sa "ARAW"!!!(use your imagination!)

    ReplyDelete
  16. @kikilabotz haha... tama ka nga. mas pogi ako sa kanya. pahingi lang ng konting pera para magka-pantay na kami! nyahaha. october 10 na bday ko, nasaan na pic greeting ko? haha

    @frankie well, what's the point na mangarap ka kung titipirin mo pa? ang point ko kasi, hindi lang naman isang pangarap ang para sa isang tao. marami pa dyan. hehe.

    @anonymous gusto ko lang yung puti niya saka sana maambunan ako ng konting pera para wala an akong problema. nyahaha. yong pangrap mo, di naman imposible yan eh.. kaya mo yan. gusto mo samahan pa kita eh. tara?hahaha.

    ReplyDelete
  17. sa lahat lahat enoh si john lloyd pa // libre namang mangarap, syempre lahat ng bagay may reason naman // webdings kpang nalalaman ah. hehe!

    ReplyDelete
  18. pangarap kong makita ng personal si papa P. pwede ikaw na lang? LOL

    mangarap lang ng mangarap. dahil ang taong walang pangarap ay ang taong pinakamahirap. bow :D

    ReplyDelete
  19. na alaala ko tuloy noong bata pa ako when we saw a shooting star we always make a wish.

    hehehe..para sa akin mas ok si piolo kay ni john lloyd..hehehe

    ReplyDelete
  20. @jinjiruks ganun talaga. idol eh. hehe.

    @sikoletlover haha. pwede naman. hanapin mo nga lang ako.

    ReplyDelete
  21. @eden gusto ko ring magwish sa shooting star kaso hindi naman ako nakakakita nun kaya asar. bokya. haha.

    @rico haha. ako na talaga! behlat! nyahaha

    ReplyDelete
  22. brod naniniwala pa rin akong kahawig mo si john llyod nung naaksidente sya at nawasak ang mukha!hahaha

    Joke lang pre!

    HAppy birthday brod, wish you all the best bro

    ReplyDelete
  23. Haha, naku parekoy baka need mong kumunsulta kay Dra. Belo kung gusto mo talgang maging kamukha ni John Lloyd XD

    ReplyDelete
  24. @drake ang kapal! i hate you! nyahaha. thanks parekoy. lapit na birthday ko. legal na akong uminom. hahaha.

    @fielkun kay belo? ayaw. glutathione lang ang katapat niyan! haha. siguro kahit likas papaya ok na? hahaha. hoy, nasaan na picture greeting ko?

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!