Aug 4, 2010

Kapag limilipad ang utak...



kahit na gaano ka-studious ang isang estudyante, kung talagang boring ang prof, lilipad at lilipad ang isip mo. hindi naman sa jina-justify ko ang paglipad ng utak ko, pero... parang ganun na nga! haha. heto na nga ang paglipad ng utak ni nightcrawler sa klase ni penguin...
________________________

July 30 2010

Bakit ang boring ng klase ni ma'am? sana naka-hood ako para pwede ako umidlip... kaso baka humilik ako kaya wag na lang. haaay... Ang sarap ng Alo Green tea(grapes flavor ang masarap). Ang baho naman ng katabi ko, parang hindi naligo. Medyo nakaka-distract iyong babae sa harap ko kasi pinaglalaruan niya yung extra fats niya sa likod niya. awkward... teka, bakit mukhang penguin si ma'am? haha. nakakatawa naman tong mga klasmeyts ko. lahat, kunwaring nagbabasa pag nagpapa-recite na si ma'am. hahaha. at marami ang naka-itim ngayon ah. marami ang emo?! naka-red ako ngayon, para POGI! Ang boring talaga, Naglalaro na kami nung seatmate ko na mabahao ng lucky 9. dinadaya ata ako, hindi pa ako nananalo eh. hala! nagngangatngat na ng kuko yung babae sa harap. Every ten minutes, may tumitingin sa relo kung time na. hindi lang pala ako ang bored. Kumakain ako ngayon ng Tapioca na parang walang condensed milk! L*che! Haay salamat at tapos na rin ang klase ni penguin... baka hinahanap na ni batman. hihi.
ps. paglabas ng klasrum, nalaman kong yung sapatos ko pala ang mabaho, naka-apak ng ebaks! yaks!
_________________________

haha... malamig na gabi mga parekoy , ' )

15 comments:

  1. been there, done that!...iniimadyin ko tuloy ang isang babaing Danny De Vito ang prof mo hahaa!

    ReplyDelete
  2. @vonfire exactly! isipin mo ang babaeng version, siya yun! haha. sana wala siyang blog... baka mabasa niya to, lagot na! i love you ma'am! wahaha.

    ReplyDelete
  3. ako dinodrowing ko ang prof pag bored ako hahaha...

    love how this story ends hahaha...ewwness tas kumakain ka ewness talaga LOL...

    May poging dumalaw dito parekoy! LOL...

    ReplyDelete
  4. @jag ginawa ko na rin yan dati. yung prof namin nung summer, kamukha niya si sadako! hahaha. kaya dino-drawing namin siya na lumalabas sa tv, lababo, gripo, toothpaste bottle, etc.. haha. oo nga eh... pakening yung tapioca.. at talagang natiis ko amoy ng ebaks! nyahaha. pogi? saan? nakatingin ka ba sa pic ko? wahaha. cge na nga, parehas na tayong pogi :P

    ReplyDelete
  5. pag boring ang prof ko nag aatendance lang ako at uuwi na

    ReplyDelete
  6. totoo yan parekoy, kapag boring prof, bagsak na grade ang inaabot ko dati. naglalakbay-diwa. ang tagal ng oras kapag ganun!

    sabi nila, ang pagsusuot ng red ay nagpapakita ng confidence ng isang tao.

    blogenroll \m/

    ReplyDelete
  7. AY grabe naman makapang murder ng titser itong si parekoy haha...

    ayos! kaya mong kumain kahit nakaharap sa tae hahaha LOL.

    O xa apir pogi n tayo parehas hahaha...yan ang gusto ko sau eh hahaha...

    ReplyDelete
  8. ewwwness naman nun hehe ebaks.. tapos kumakain ka.. haha

    ako nasubukan ko na matulog sa klase, pag boring ang prof, matutulog na lang talaga ako. lol

    ReplyDelete
  9. kapag lumipad ang utak, naku sa akin mahirap.. luha na yan.. hahai, kahit nga ngayon eh..

    ReplyDelete
  10. @kikilabotz haha... hindi uubra yun. may attendance sa umpisa at sa ending ng klase eh. hehe.

    @NOBENTA haha. wag naman sana akong bumagsak............... gusto ko nang gumradweyt! haha. kung gagradweyt nga.

    ReplyDelete
  11. @jag hindi nman... i'm just expressing my artistic freedom! haha. saka, hindi naman nakaharap sa akin ang tae habang kumakain ko. naamoy ko lang. haha. parang mas matindi yun ah!?

    @karenanne oo nga eh. akala ko talaga yung katabi ko yung mabaho, hyung sapatos ko pala. haha.

    @tim awww... ikaw pala ang emo eh! hehe

    ReplyDelete
  12. Naku tama ka jan parekoy! kahit gaano ka katalino, pag ang prof mo naman eh ay mas boring pa kesa kay Einstein, talagang lilipad at lilipad ang isip mo.

    Pag ganyan ang prof, masarap umupo sa likurang bahagi ng classroom... tapos dun ka matulog haha para di halata xD

    ReplyDelete
  13. parang ako lang 'to nung college ah. naalala ko pa, ang ginagawa namin ng katabi ko sa likod eh inaangat namin ang mga paa namin para di makatulog sa discussion ng boring na prof.

    pero hindi ako nakatapak ng tae. lols!

    ReplyDelete
  14. @fielkun haha. halata pag ako parekoy. malaki ako eh. asar. saka nakakatakot kapag biglang napa-hilik ako, baka batuhin ako ng eraser! hehe

    @lioloco sige na, ako na ang naka-apak ng ebaks! makaka-apak ka rin... hintayin mo lang! nyahaha.

    ReplyDelete
  15. nice. naalala ko tuloy sarili ko nung college. :)

    ReplyDelete

paano ko malalaman kung ano ang problema mo kung di ka magsasalita? magsalita ka! MAGASALITA KA!