
magiging busy na ulit ang dakilang night crawler. noon excited ako pero habang palapit na ang araw na iyon ay unti-unti akong kinakabahan.
kinakabahan dahil ilang buwan din akong namahinga... paano kung di na sanay ang katawan ko sa mabigat na ekspektasyon ng unibersidad? paano kung
di ko pa pala kayang harapin ang iniwan kong nakaraan? haay... tama nga siguro ang sabi nila...
"what we fear most is fear itself." i guess the right thing to do is to not care at all.
'cause if i don't give a f*ck about it, why should they, right? kung si katrina halili nga, naka-hanap pa ng lakas-ng-loob para humarap sa kamera matapos ang scandal niya, ako pa kaya?(wag muna mag-isip ng berde. wala akong sex scandal...
wala pa. hehe.)
___________________________________
ilang beses niyo na sigurong narinig ang linyang
"dugo't pawis ang nilabas ko makuha lang iyan." ako, talagang literal na dugo't pawis ang nilabas ko nitong enrolment. unang lumabas sa akin ay ang
dugo. habang ako'y nasa canteen, akalain mo ba namang nasagi pa ng kamay ko ang salamin ng lamesa. ayun, parang gripo ng dugo ang daliri ko. sabi nga nung nurse sa clinic, konting laki pa ng sugat ko, tatahiin na. haay... salamat sa Diyos at di na umabot dun. at dahil
masipag(?) ang dakilang nightcrawler... itinuloy pa rin ang enrolment kahit sugatan. hay. siguro ay isang baldeng pawis ang nawala sa akin dahil sa pagpapahirap ng mga propesor!
aren't teachers suppose to help their students succeed? bakit parang mas masaya silang nahihirapan kami? haayyy. lalo na iyong isang propesor ko. akalain mo ba namang muntik na akong di maka-enrol dahil ayaw niyang pirmahan ang tp form ko at iyong subject lang niya ang kailangan ko para kumpleto na ang units ko!?! buti na lang at nakahanap ako ng iba at dahil mabait akong nilalang..
di ako bitter kay ma'am. oo nga pala ma'am... palagi kayong magdala ng payong baka kasi ulanin kayo ng ihi ng aso. saka, parati kayong magdala ng first-aid kit kasi baka madapa kayo sa hallway. at wag kayong kakain ng pagkaing di niyo alam kung sino ang nagpadala, baka magka-
diarrhea kayo. buti na lang di ako bitter at pina-alalahanan ko kayo.
__________________________________
cool fact about
friday the 13th : there's actually less violence, lower crime rates and fewer accidents during this day. why? 'cause
people are more careful during friday the 13th because of all the myths surrounding it. makes you want to wish for more friday the 13th huh?