Nov 28, 2009

random acts of rudeness



i don't know why but for the past week, i've been surrounded with different kinds of rudeness. the more i try to avoid them, the more that they find their way to annoy me even more. in fact, another one occurs as i write this... damn the inconsiderate. shame on the thick-faced. let's not tolerate these random acts of rudeness!

we have the most inconsiderate neighbors, hands down. 2 weeks ago, i couldn't sleep because of all the noise, of all the singing! everytime they would stay up all night with that f*ckin'(excuse the term) videoke, so would we. no, not sing videoke, but stay up later than usual. no matter how much we try, we just couldn't tune-out the noise. now, here they are again, singing their lungs out like they are performing in araneta. i mean i just got home from a week of stress, hoping to get some rest, but rest is impossible to do when neighbors are loud and drunk. is it too hard for them to ask the neighbors if it would be ok for them to do that? ofcourse i would have said no but still, it would be nice to be asked. i asked my mom if we should report them, she said no for the sake of "pakikisama." i tell her, aren't we suppose to expect the same from them?

i have the most opinionated housemate. i know, there's nothing wrong in speaking one's mind but what if one's mind has a mouth dirtier than a mountain of garbage? i mean he only sees the bad in people. he keeps saying how ugly one's friend is or how bad one's writing is, and etc. i have never met someone speak so ill of others, and sometimes it gets to you even if you're not the one involved. one time i heard him say, while watching a movie, "ang pangit naman ng hitsura niyan!" one of our housemates gave the best response, "eh kamukha mo lang yan eh!" haha. he was speechless.

______________________________

on a totally different note, definitely not an act of rudeness.. rather, an act of friendship. thank you roanne for the lovely badge. it is proudly displayed right there :P



and thanks to pareng drake for his appreciation for the night crawler on his last post. kahit na madami kaming umangal sa ranking. hehe. oo na, hindi na in order yun. peace :P

Nov 20, 2009

school, love, and unfortunate event called haircut

good evening Philippines and hello to the rest of the world. kumusta naman ang inyong linggo? o, huwag madamot at i-share niyo naman ang mga kaganapan sa inyong makulay na buhay, para fair di ba? hehe. na-miss ko kayo mga parekoy. at dahil marunong akong tumupad sa usapan, heto na ang kuwento ng inyong lingkod na nightcrawler sa nakalipas na linggo.

nightcrawler goes back to school...
ilang araw ko din kayong tiniis para naman mapag-handaan ko ng maigi ang aking pagbabalik-eskwela. so far, so good. hindi pa ako nale-late(major achievement ito kaya shush...), maaga akong naka-kuha ng readings, at highest ako sa first quiz ko for this sem. not bad huh? palakpakan naman diyan. tenk yu, tenk yu! at kabaligtaran ng una kong inakala, things actually went smoothly for me. nagawan ko ng paraan ang pagiging insomniac ko(alas dos na ang pinaka-late na natulog ako this week.. o ha?), nagawan ko ng paraan ang pagiging tamad ko(may himala) at nagawan ko ng paraang ayusin ang buhok ko(more on this later). kung meron mang isang bagay na nahirapang gawin, yun ay ang hindi pag-silip sa mundo ng blogosperyo. believe me, it took a lot of will-power para lang iwasang basahin ang mga blogs niyo kasi alam kong pag nasimulan ko na... aabutin ako ng siyam-siyam. hehe. at dahil uliran na ulit akong estudyante... magbabasa ako ulit pagkatapos kong isulat itong entry ko. ay bukas na pala... magbabasa muna ako ng mga paborito kong blogs. bukas na lang ako magaaral, pramis!

nightcrawler gets mushy...
nagkaroon na ba kayo ng experience na isang tingin mo palang eh alam mo nang siya na ang gusto mo? na hindi ka mahihiyang ipag-mayabang siya sa iba? na kaya mong protektahan, ni ga-bigas na alikabok eh ayaw mong padapuan? na ni tumingin sa iba'y hindi mo na magawa dahil pakiramdam mo'y nagtataksil ka? ang sarap ng feeling di ba? it was love at first sight for me... when i first saw her, i just knew i had to have her... to spend my special days with... and the not so special ones. kahit mas mahal siya ng doble kaysa mga dati ko... i don't mind. she's here to stay. friends... here she is :P



ang ganda niya no? saka na yung totoong lovelife... makakapag-hintay yan. hehe.

nightcrawler gets a haircut...
siyempre pag bagong-buhay, dapat bago din ang gupit. since my long vacation(5 months), di ako nagpa-putol ng buhok kaya mahaba-haba rin.. sabi ng marami ay hindi raw bagay sa akin ang mahabang buhok, and i agree. mukha daw akong taong grasa. haha. ibinagay ko lang naman ang buhok ko sa aking state of mind and since lumiwanag na ulit ang buhay ko... i just had to have my hair cut. laking pagsisisi ko lang dahil sa mga kaibigan kong mahilig mang-trip nagpagupit. hay. ginawa ba naman akong loughing stock ng araw na yun. kaya pala ang mga ugok ay panay ang ngisi, akala ko naman dahil maganda ang gupit, yun pala ay dahil pigil ang pagtawa. siyempre, di ko naman matitiis na magpakita ng matagal sa tao na ang buhok eh parang imbes na shampo ang pinang-hugas eh clorox pala. hehe. dahil jan, pumunta ako kay manong barbero at voila! new look :P



tenk u kay manong gupit for a job well done. para kang magician!
at since ilang araw din akong deprived sa mga blogs ninyo... mag-iikot muna ako ha? ready... GO!

Nov 17, 2009

little time for quickie

another quick post from the nightcrawler.
naka-singit lang ng oras mula sa aking busy schedule para naman kamustahin kayo mga parekoy. the nightcrawler is no longer bored... rather, tired! haha. balik eskwela ang inyong lingkod kaya wala pa ako sa tamang ulirat para maka-pagpost ng matinong entry. bibigyan ko muna kayo ng preview ng susunod kong "nobela."

1. night crawler goes back to school!
2. night crawler is in-love!(pinag-iisipan ko pa kung magpo-post ako ng pic. hehe)
3. night crawler gets a haircut! (oh man! definitely no pics for this.)

see you on friday mga parekoy... miss ko na magbasa ng mga blogs niyo.

Nov 13, 2009

blOOdy finger


magiging busy na ulit ang dakilang night crawler. noon excited ako pero habang palapit na ang araw na iyon ay unti-unti akong kinakabahan. kinakabahan dahil ilang buwan din akong namahinga... paano kung di na sanay ang katawan ko sa mabigat na ekspektasyon ng unibersidad? paano kung di ko pa pala kayang harapin ang iniwan kong nakaraan? haay... tama nga siguro ang sabi nila... "what we fear most is fear itself." i guess the right thing to do is to not care at all. 'cause if i don't give a f*ck about it, why should they, right? kung si katrina halili nga, naka-hanap pa ng lakas-ng-loob para humarap sa kamera matapos ang scandal niya, ako pa kaya?(wag muna mag-isip ng berde. wala akong sex scandal... wala pa. hehe.)

___________________________________

ilang beses niyo na sigurong narinig ang linyang "dugo't pawis ang nilabas ko makuha lang iyan." ako, talagang literal na dugo't pawis ang nilabas ko nitong enrolment. unang lumabas sa akin ay ang dugo. habang ako'y nasa canteen, akalain mo ba namang nasagi pa ng kamay ko ang salamin ng lamesa. ayun, parang gripo ng dugo ang daliri ko. sabi nga nung nurse sa clinic, konting laki pa ng sugat ko, tatahiin na. haay... salamat sa Diyos at di na umabot dun. at dahil masipag(?) ang dakilang nightcrawler... itinuloy pa rin ang enrolment kahit sugatan. hay. siguro ay isang baldeng pawis ang nawala sa akin dahil sa pagpapahirap ng mga propesor! aren't teachers suppose to help their students succeed? bakit parang mas masaya silang nahihirapan kami? haayyy. lalo na iyong isang propesor ko. akalain mo ba namang muntik na akong di maka-enrol dahil ayaw niyang pirmahan ang tp form ko at iyong subject lang niya ang kailangan ko para kumpleto na ang units ko!?! buti na lang at nakahanap ako ng iba at dahil mabait akong nilalang.. di ako bitter kay ma'am. oo nga pala ma'am... palagi kayong magdala ng payong baka kasi ulanin kayo ng ihi ng aso. saka, parati kayong magdala ng first-aid kit kasi baka madapa kayo sa hallway. at wag kayong kakain ng pagkaing di niyo alam kung sino ang nagpadala, baka magka-diarrhea kayo. buti na lang di ako bitter at pina-alalahanan ko kayo.

__________________________________

cool fact about friday the 13th : there's actually less violence, lower crime rates and fewer accidents during this day. why? 'cause people are more careful during friday the 13th because of all the myths surrounding it. makes you want to wish for more friday the 13th huh?

Nov 8, 2009

taksil, BOW!

tanong lang...
bakit pag ang lalake ang nangaliwa, ok lang na ipahiya siya ng mahal niya at ang tawag dun ay justice?
pero pag ang lalake naman ang ginoyo at subukang gumanti, ang tawag dun ay inconsiderate at ungentlemanly?
talk about double standard right? am i right guys or are you wrong? haha

*you ever wonder why so many couples break up? maybe because sorry is the hardest thing to say and the word that everyone dreads to hear...
or maybe because when you really are sorry, the right words to say are,"i won't do it again." and if you love the person enough... you'll believe it.

musikero sundays
is proud to present another pinoy talent, a big hit waiting to happen. i'm sure he wants our applause for this: give it up for gabe bondoc.
video

Take a Bow(response) Lyrics

Don’t want a round of applause
Don’t want that standing ovation
I look so dumb right now
Standing outside your house
I’m trying to apologize
I’m sorry I made u cry please won't you come out
I say that I’m sorry you say not
Babe cause you think I’m only sorry I got caught

But I put on quite a show
Thought I had you going
Now you're trying to go
The curtain can’t be closing
This is not a show
Not at all I’m not playing
Can’t be over now
Don’t wanna take my bow
All my clothes on this lawn
And you turned the sprinklers on
Girl I love you you’re the one I mess 'em up all at once
Please don’t throw me out
I say that I’m sorry you say not
Babe cause you think I’m only sorry I got caught
But I put on quite a show
Thought I had you going
Now is time to go
Curtains finally closing
This is not a show
Babe I’m not playing
This cant be over now
Don’t wanna take my bow
Was there a reward for just telling the truth
Babe wont you believe that a man like me could be faithful to you
Lets keep this speech out
How bout a round of applause
Don’t want that round of applause
And I put on quite a show
I though that I had you going
Now your trying to go
But the curtain cant be closing
This is not a show
Babe I’m not playing
It can’t be over now
Don’t wanna take my bow

Nov 5, 2009

mahabang kwento


as promised, heto na ang aking mahabang kwento(nobela daw ayon sa isang mokong jan. haha)

chapter 1 : Undas 2009
heto nanaman. i am not really fond of this day cause for some odd reason, i always end up being sick after visiting our deceased love ones. and this year is no different, i am still sick as i write this. haay. but you know what really pisses me off? it's the fact that people seem to have forgotten what this day is suppose to mean and who it is for. mabibilang mo na lang sa kamay mo kung ilan na lang ang nagdadasal para sa mga namayapa na. ganun pa man, there are still a lot to be admired sa ating mga kabayan at isa na jan ang pagiging maka-pamilya natin. who else could turn a supposedly gloomy afternoon into a family reunion? i swear, kahit saan ako tumingin nun, mapagkakamalang picnic ang meron! haha. anyway, napag-usapan na rin lang ang picnic sa undas, i just made my very first contribution. gumawa ako ng pinaka-masarap na deremen(kung alam mo kung ano ito, malamang sa isang probinsya tayo. hehe)

chapter 2 : Panaginip
Matapos ang undas, inimbita ako ng mga pinsan ko to spend the night over sa bahay nila. we rented movies, we stayed up all night playing computer games, and the next day we went to the beach to have some fun. bago kami matulog ng gabing yun, we were talking about our cousin who passed away last year. we were really tight, practically brothers. at ng gabi ding yun, dinalaw niya ako sa panaginip. sa pelikula, kapag dinadalaw ang isang tao sa panaginip, nagbibigay ito ng magandang mensahe o kaya'y naghahabilin ng mga bagay-bagay. hanep din ang pinsan kong to. dumalaw na nga sa panaginip ko, inututan pa ako. iba kasi ang bonding naming magpipinsan. kung ang iba ay naglalaro ng taguan, kami naman ay naglalaro ng ututan at parati kong partner ang pinsan kong yun. paggising ko, i realized maybe he was giving me a message na bisitahin ko ang puntod niya. di kasi ako nakasama nung bumisita ang iba kung pinsan sa kaniya... that day, after our stroll to the beach, we went to see him and i prayed for him. i told him that i never forgot him at ipag-reserba niya ako ng pwesto sa langit(mahirap na, hehe) i miss you brother... there is not a day na hindi ko hiniling sa Diyos na sana ay kasama ka pa rin namin dito...

chapter 3 : the Beach
isa sa mga weird na bagay sa akin ay ang hindi ko pagka-gusto sa beach o swimming pool. parati ko kasing naiisip ang nangyari sa akin nung bata ako. ilang beses na akong muntik malunod at nasaksihan ko rin ang karumal-dumal na pag-ihi ng isang matandang lalaki sa swimming pool(binbangunot pa rin ako minsan) kaya hindi ko nakahiligan ang paglangoy. sa kabila nito, hindi ko pa rin mapa-hindian ang mga nagiimbita sa akin sa beach. bakit? kahit kasi hindi ko gustong magswimming, when you love the people you're with... makakalimutan mo na ang mga bagay na di mo gusto. kaya nung araw na yun, hindi ang maduming tubig ang naalala ko kundi ang pabilisan namin sa paglangoy, hindi ang mainit na buhangin kundi ang mga bakas na aming iniwan, at hindi ang init ng araw kundi ang warmth na bigay ng mga tao sa paligid mo.

meron pa sana akong ikukwento kaso alam kong di kayo masipag mag-basa ng mahabang kwento kaya next time na lang yun, a'ayt? enjoy the rest of your vacation mga parekoy and i can't wait to be busy again(can't believe i just said that! haha)

Nov 4, 2009

quick post

kumusta ang undas mga parekoy? marami akong ikukwento sa inyo pero di muna ngayon ha? may pupuntahan pa kasi ako ngayon at gagawin ko pa iyong paper kong ilang linggo nang late. haha. patikim lang ng mga ikukwento ko sa inyo:

1. siyempre ang Undas 2009
2. ang dumalaw sa panaginip ko
3. ang pagpunta ko sa beach
4. at iyong lakad na rin namin mamaya.

o ha? ang lakas niyo talaga sa akin. nagparamdam lang sa inyo mga parekoy. talk to you soon , ' )